Sa kabila man ng maraming plot holes, inconsistencies, at deleted scenes, inabangan ko pa rin ang ECS mula sa pilot episode hanggang sa huli dahil muli tayong maghihintay ng ilang taon bago muling sumahimpapawid ang Encantadia sa telebisyon.
Sa loob ng labing-isang buwan kong pagtutok, marami akong natutunan at nasaksihang rebelasyon. Mananatili pa rin sa puso't diwa ko ang Encantadia.
Ang hiling ko lang para sa susunod na yugto ay:
1. Mas maging makatotohanan na ang mga setup, pagandahin pang lalo ang mga kaharian, huwag tipirin ang props. Paglaanan ng budget kung kinakailangan dahil ito talaga ang pinaka-inaabangan ng mga Encantadiks.
2. Araling mabuti ang pasikot-sikot ng script. Nung nasa kalagitnaan na saka gumanda ung kwento, mula nung naging head na si Doctolero. Yung isang head writer kasi ay parang pang-afternoon drama ang atake niya kaya ang Terra na inaasahan nating matapang ay nakilala natin bilang isang iyakin at mahinang nilalang. Buti na lang din at nagkaroon na siya ng character development.
3. Ibalik ang direksyon kay Direk Mark Reyes V. Siya talaga ang Emre ng Encantadia kaya please lang, maawa kayo, para maiwasan ang kaguluhan sa kwento.
4. I-stretch out pa ang mind kung paano gamitin ang mga brilyante, hindi yung puro power blast lang tayo.
5. Palitan ung pangalan ni Ybrahima as "Amirah". Nakaka-off po ung Ybrahima 😭
6. WALANG AABSENT NA MGA ACTORS, jusko, para hindi kayo hinahanap ng audience.
Overall, sana may natutunan din ang Enca prod sa mga constructive criticisms na pinupukol ng mga netizens, lalo't higit ang mga influencers, kasi para sa ikagaganda iyon ng ating programa at hindi ito bitiwan ng mga tagapagtangkilik.
Magkagayunman, avisala eshma at muli kaming nakapanood ng ECS mula no'ng June 16. Binalik nyo kami sa pagkabata (kahit may marami sa amin na na-disappoint sa ending HAHAHAHA nag-cliffhanger pa talaga)
Handa kaming maghintay sa susunod na season BASTA BUMAWI KAYO! GANDAHAN NINYO AH! 😭😍